Reading Time: 1 minute

CAGAYAN DE ORO CITY – Napatay sa operasyon ng mga pulis ang leader ng isang notorious criminal gang at pinaniniwalaang konektado ng CPP-NPA terrorists sa may Barangay San Vicente, Baungon, Bukidnon.

Kinilala ang suspek na si Dencio Lundahan, no.6 most wanted person ng Northern Mindanao at sangkot sa mga pangingilkil, pagnanakaw, gun-for-hire at iba pang mga kriminal na gawain sa buong rehiyon.

Ayon kay Police Major Christian Relevo, hepe ng Baungon Municipal Police Station nanlaban ang suspek nang isinilbi nila ang 13 warrant of arrest kung saan umabot sa limang minuto ang engkwentro at kanilang napatay ang target suspect.

Narekober sa posisyon ni Lundahan ang isang (1) KG9, isang (1) .45 caliber pistol at granada.

Ang napatay na si Lundahan ay siya ring lider ng Lundahan criminal group kung saan nagtataglay ito ng maraming warrant of arrests gaya ng multiple murder, robbery at iba pa.