GENERAL SANTOS CITY – Inirekomenda na ng Bureau of Customs (BOC) ang pagpapalabas ng warrant seizure and detention sa consignee ng smuggled cigarettes na nasa kustodiya ng gobyerno.

Ayon sa BOC port collector na si Elenita Abaño, mahigit 1,000 kahon ng sigarilyo ang hawak nila na galing sa Vietnam matapos masita ng National Bureau of Investigation kahapon.

Ayon kay Abaño, nakatanggap ng impormasyon galing sa INTERPol na dadaong ang isang barko na karga ang isang container van.

Kaya naman pagdating ng naturang barko ay tiningnan kaagad ang isang 40 footer container van sa pamamagitan ng K9 unit at nakumpirma ang mga iligal na kargamento.

Tiniyak naman ng NBI na sasampahan nila ng misdeclaration at paglabag sa customs and tariff act ang consignee .