Magsisimula ng makatanggap ng libreng TESDA skills assessments ang mga Senior high school sa ilalim ng Technical Vocational Livelihood sa sa school year 2024-2025.
Ayon kay TESDA Deputy Director General Aniceto Bertiz III, nagpapatuloy na ang paghahanda para sa libreng certification program sa ilalim ng 2 joint memorandum circulars na nilagdaan noong Mayo 10 sa pagitan ng TESDA, DepEd, DOLE at CHED.
Ang 2 JMCs ay alinsunod sa direktiba ni PBBM na tugunan ang skills mismatch at employment gap sa SHS graduates.
Layunin din nito na mapondohan ang assessment ng SHS graduate para sa National Certificates I at II.
Aniya, nakikipag-ugnayan na sila sa nasabing mga tanggapan para magkaroon ng dashboard at hindi na mahirapan ang mga estudyante na mag-avail ng mandatory certification at assessment.
Makakatulong ang dashboard para matukoy ang mga graduating student na kailangang i-assess habang ang DepEd naman ay tutulong na maghanap kung saang distrito sila galing.
Kailangan din aniya na magkaroon ng karagadagang assessment center para sa pagsasanay ng mga assessor ng programa.