Kinumpirma ni Japanese Chief Cabinet Secretary Yoshimasa Hayashi na namataan nila sa katubigan ng kanilang bansa ang Liaoning aircraft carrier ng China.
Magugunita na ang Lionning carrier, na sinamahan ng ilang barko ay dumaan sa exlusice economic zone (EEZ) ng Japan malapit sa Minamitorishima, isang liblib na isla sa timog-silangang bahagi ng Iwo Jima.
Napansin din ang mga fighter jets at helicopter na umaaligid mula sa Liaoning.
Dahil dito inihayag ni Hayashi na palalakasin ng Japan ang kanilang surveillance at patuloy na mangangalap ng impormasyon ukol sa mga galaw ng fleet ng China.
Nagpadala naman ang pamunuan ng Japan sa China ng mensahe hinggil sa naturang insidente.
Sa kabilang banda, iginiit ng Ministry of Foreign Affairs ng China na ang paglalayag ng Lioning ay naayon aniya sa international law at sinabing may sariling national defence policy ang kanilang bansa.
Hinikayat naman nito ang Japan na tingnan ang isyu bilang ”objectively at ”rationally.”