NAGA CITY – Nagpadala na ng sulat ang lokal na gobyerno ng Lungsod ng Naga sa Inter-Agency Task Force (IATF) para hilingin ang pansamantalang pagsuspinde ng biyahe ng mga locally stranded individuals (LSIs) pabalik sa lungsod.

Sa opisyal na pahayag ni Naga City Mayor Nelson Legacion, sinabi nito na dahil sa limitadong pasilidad ay hindi na kaya ng Bicol Medical Center na tumanggap pa ng mga bagong pasyente na positibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Hiling din nito ang pagpapatupad ng mandatory quarantine sa mga Nagueños na overseas worker, dagdag na personal protective equipment para sa mga frontliner, at muling paglagay ng mga border at internal controls, upang matiyak na tanganing mga otorisadong indibidwal lamang ang maaring makapasok sa nasabing lungsod.

Kailangan muna aniya kasing punan ng lokal na gobyerno ang kasalukuyang bilang ng sakit bago ang muling pagtanggap sa nasabing mga indibidwal.

Sa ngayon, mapapansin ang mabilis na paglobo ng COVID sa lungsod matapos ang huling pitong bagong kaso na napag-alaman na lahat ay mayroong exposure kay Bicol#91 at Bicol#92.

Sa kabuuang, 108 confirmed COVID cases na ang naitala sa Bicol Region.