-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patuloy ang panawagan ng lokal na pamahalaan ng Kabacan Cotabato sa publiko na tangkilikin ang bakuna kontra sa nakakahawang sakit na Coronavirus Disease o Covid 19.

Ayon kay Kabacan Covid-19 Incident Commander at MHO Dr. Sofronio T. Edu, Jr. sa kabuuan mayroon nang 8,665 ang masasabing fully vaccinated habang nasa 9,430 naman ang nakatanggap na ng first dose.

Kaugnay nito may kabuuang 18,095 na na bakuna ang naipapamahagi sa bayan ng Kabacan.

Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat si Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. sa publiko sa pagtangkilik sa bakuna.

Bagamat nakapagkumpleto na ang mahigit P8,000, pinapayuhan pa rin ng alkalde ang lahat na mag-ingat.

Dagdag pa ni Edu, ang bakuna ay makakatulong upang hindi maging grabei ang tama ng nasabing virus sa katawan.

Para sa mga karagdagang impormasyon kaugnay sa schedule ng bakuna, ugaliing bisitahin ang www.facebook.com/unladkabacan o ang facebook account na HRH Kabacan.