-- Advertisements --

Balik na sa paglalaro sa Indiana Pacer si Caris LeVert matapos ang matagumpay na operasyon sa kaniyang kidney.

Tinanggal kasi ang cancerous mass sa kaniyang kidney noong Enero 26 at mula noon ay nagpahinga ito.

Sa kaniyang pagbabalik ay nakapagtala ito ng 13 points ng talunin ng Pacers ang Phoenix Suns 122-111.

Sinabi ng 26-anyos na si LeVert na nais lamang niyang mag-kontribute ng malaking puntos sa bawat laro ng koponan.

Noong Enero ay ipinalit ng Brooklyn Nets sa Pacers si LeVert bilang bahagi ng blocbuster trade ng ilipat si James Harden sa Nets.

-- Advertisement --