-- Advertisements --

Handa ang Kamara na baguhin ang kanilang legislative calendar at magsagawa ng special session sa kanilang lenten break.

Ayon kay Speaker Alan Peter Cayetano, gagawin ito ng Kamara upang sa gayon ay matugunan nila ang bantang hatid ng COVID-19 sa Pilipinas.

Kung nais din aniyang gawin ito ng Senado ay maari silang mag-usap upang sa gayon ay mapalitan ang kanilang legislative calendar.

Subalit kapag may commitments naman aniya ang mataas na kapulungan tulad at tutol sa ideyang ito, sinabi ng lider ng Kamara na round table discussion na lamang ang kanilang isasagawa.

Nagsimula na ang lenten break ng mga kongresista pero bigo ang mga ito na maipasa ang P1.65 billion na supplemental budget para sa laban ng pamahalaan kontra COVID-19.