LEGAZPI CITY- Aabot na sa 300 na pasahero ang stranded sa iba’t ibang pantalan ng Bicol dahil sa Bagyong Jolina.

Sa latest data ng Coast Guard District (CGD) Bicol, nasa 281 na ang stranded passengers, 97 rolling cargoes at 12 na vessels.

May dalawang barko naman ang kasalukuyang naka-take shelter ngayon.

-- Advertisement --

Kahapon pa nagbaba ng “No Sail” policy ang mga lalawigan sa rehiyon bunsod ng umiiral na sama ng panahon.