Tiwala si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo na isang “beautiful chapter” ang kaniyang natapos kasunod ng pagtapak at Top 21 finish sa prestihiyosong pageant.

Sa kabila nito, buo ang pag-asam ni Rabiya sa panibagong chapter na susuungin.

Batay sa Instagram post nito, inspired ang beauty queen sa maraming pagpapalang darating gayundin sa mas maraming taong nais na mabahaginan ng mga adhikain.

-- Advertisement --

“My Miss Universe journey has ended. I just finished one beautiful chapter. Now, I’m excited to write a new one.
More blessings to receive! More people to inspire!

“Nag-early exit sa MU journey si Rabiya matapos na bigong makapasok sa Top 10 ng kompetisyon.

Tinanghal naman na Miss Universe 2020 si Andrea Meza ng Mexico sa kompetisyon na ginanap sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino ng Hollywood, Florida.