-- ADVERTISEMENT --

LEGAZPI CITY – Nagsilbi ring atraksyon sa isang dinadayong farm sa Daraga, Albay ang inilagay na pet cemetery.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Noemi Alamil del Fuerto, corporate manager ng Farm Plate, Abril pa lang ng kasaukuyang taon nang ilagay ito.

Unang inilibing sa lugar ang asong nagngangalang Liki na alaga ng anak ng may-ari ng farm.

Hanggang sa kalaunan ay buksan na rin ito sa iba pang nais na maglibing ng kanilang namatay na alaga sa lugar.

Sa kasalukuyan, may 10 na aso at dalawang pusa na ang nakalibing sa naturang pet cemetery.

-- ADVERTISEMENT --

Nililinisan din ito at tinataniman ang paligid ng mga tauhan ng farm.

Sa pag-obserba sa Undas, may mga pet owners na rin ang bumisita at nagdala ng bulaklak sa kanilang mga namaalam na alaga.