-- ADVERTISEMENT --

LEGAZPI CITY – Hawak na ngayon ng mga otoridad ang itinuturing na high-value target personality matapos ang isinagawang entrapment operation na pinangunahan ng Philippine Drug Enfrocement Agency (PDEA) sa Brgy. Quinale, Tabaco City.

Kinilala ang suspek na si Dante Bonto, 54-anyos, pedicab driver na residente ng Brgy. Sto. Cristo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PDEA Bicol information officer Cotton Talento, mabilis ang tugon ng tanggan sa report sa Isumbong Mo Kay Wilkins (IMKW) Tipster platform.

Nakumpiska sa operasyon ang nasa 20 gramo ng pinaniniwalaang shabu na may market value na P136,000.

Mahaharap si Bonto sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, ipinagpapasalamat ng ahensya ang kooperasyon ng mga mamamayan.

Epektibo umano ang platform kung saan pinahahalagahan ang confidentiality ng mga nagsusumbong.