LEGAZPI CITY – Tinawag na “stupid” ni Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin Jr. ang nagin pahayag ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Manuelito Luna na imbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) si VP Leni Robredo dahil sa umanoy pakikipagkompetensya sa tulong ng pamahalaan sa gitna ng coronavirus pandemic.

Ayon kay Garbin sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, hindi niya maunawaan ang apela ni Luna na imbestigahan si Robredo lalo pa at walang hurisdiksyon ang komisyon sa mga elected officials.

Tila sumobra aniya sa mandato nito ang naturang opisyal.

-- Advertisement --

Panawagan pa ni Garbin na iwasan ang pamumulitika sa panahon ngayon na pagtutulungan ang kinakailangan.

Mas mahalaga ayon sa mambabatas na bigyan ng atensyon ang maraming namamatay at nagkakasakit dahil sa COVID-19.