LEGAZPI CITY- Nakikipag-ugnayan na ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa mga lokal na gobyerno para sa pagbabantay sa paligid ng Bulkang Mayon.
Kasunod ito ng pag-agyat na sa Alert status ng bulkan papunta sa level 1 dahil sa nakitang mga abnormal na aktibidad nito.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PHIVOLCS resident volcanologist Paul Alanis, naitala ng kanilang mga kagamitan ang pagdami ng mga volcanic tremors o mahihinang pagyanig sa paligid ng bulkan.
Nakita rin ang pamamaga sa bunganga nito na indikasyon umano ng namumuong pressure dahil sa umaakyat na magma o kumukulong tubig sa ilalim.
Maliban sa pagbabawal sa pagpasok sa 6km permanent danger zone binabantayan rin ang mga ilog na konektado sa gullies ng bulkan dahil sa posibilidad ng lahar flow kaugnay ng mga nararanasang pag-ulan.
Maalalang taong 2018 pa ng huling pumutok ang nasabing bulkan.