LEGAZPI CITY – Arestado ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa isinagawang operasyon sa Brgy. Batbat, Guinobatan, Albay.

Kinilala ang suspek na si Ronaldo Oliquino Ogama alyas “Leo”, 74-anyos na miyembro ng Kilusang Probinsiya 5, Platoon 1, Larangan 1.

Napag-alaman pa sa pulisya na katumbas ni Ogama ang monetary reward na P2.2 million.

-- Advertisement --

Sinilbihan ng warrant of arrest si Ogama dahil sa mga kasong duwang Multiple Murder with Frustrated Murder na inirerekomendang piyansa.

Batay sa arrest warrant, taon pang 2002 at 2003 ang pagrelease ng naturang warrant.

Samantala, nahaharap pa ang akusado sa kasong Frustrated Homicide na may nirerekomendang piyansa na nagkakahalaga ng P24,000 base sa isa pang arrest warrant sa petsang Marso 11, 2019.

Dinala na ang akusado sa kustodiya ng Regional Intelligence Division (RID) 5 para sa karampatang disposisyon.