Image may contain: 1 person
Photo courtesy of Catriona Elisa Instagram account

LEGAZPI CITY – Inalala ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray ngayong araw ang pagsungkit sa korona sa prestihiyosong pageant.

Dalawang taon na ngayong araw nang mapagtagumpayan ang ikaapat na korona para sa Pilipinas kung saan dinala nito ang pangalan ng Albay sa Binibini stint.

Sa social media account ni Cat, nagpost ito ng video ng mismong coronation kung saan makikita ang sigaw ng katuwaan ng mga fans at supporters.

-- Advertisement --

Kasabay nito ang pagpapasalamat ni Cat sa mga magulang sa pagsuporta at pagmamahal na naging dahilan upang maabot ang kasalukuyang estado.

“2 years ago today 👑 @missuniverse
Honoring my amazing parents whose support and love made me into the woman I am today. 🌋 Even though tears didn’t fall when I the crown was placed on my head, but tears fell when I saw this footage the first time. Love you Mama and Papa ❤”

Kung babalikan sa nasabing pageant sumikat rin ang slo-mo twirl ni Cat, lava walk at ang magagandang gown kabilang na ang isinuot sa evening gown na inspired ng lava sa Bulkang Mayon.

Sa kasalukuyan, busy si Cat sa showbiz commitments, charitable works sa pagiging ambassadress ng mga advocacy groups at music career.

2 years ago today 👑 @missuniverse

Honoring my amazing parents whose support and love made me into the woman I am today. 🌋 Even though tears didn’t fall when I the crown was placed on my head, but tears fell when I saw this footage the first time. Love you Mama and Papa ❤

catriona gray, instagram