LEGAZPI CITY – Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos na managa sa Purok 4, Brgy. Flores, Pio Duran, Albay.

Ang biktima, si Nelly Polgo, 48-anyos na napag-alamang sarili lamang na ina ng suspek.

Lumalabas sa paunang imbestigasyon ng Pio Duran Municipal Police Station na dakong alas-8:30 kagabi nang mangyari ang insidente.

-- Advertisement --

Armado ng itak ang suspek na si Elvis Polgo, 32-anyos, may live-in partner, nang tagain ang sariling ina.

Nagtamo ng taga sa ulo si Nelly na agad itinakbo sa ospital at nasa ligtas nang lagay sa kasalukuyan.

Inaresto naman ng mga tanod at opisyal ng barangay ang suspek at agad na naitur-over sa pulisya.

Hindi pa malinaw sa ngayon ang pinag-ugatan ng nasabing insidente kaya’t nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad.