Photo courtesy of Spotify

Naglunsad ng eight-episode exclusive podcast program sa music streaming service na Spotify si dating US President Barack Obama at beteranong musikero, Bruce Springsteen.

Sa pamagat na “Renegades: Born in the USA,” tinatalakay ng dalawa ang mga isyu sa lahi, fatherhood at pagkakabaha-bahagi ng bansa.

-- Advertisement --

Pangalawang podcast na ito sa partnership ng production company na Higher Ground sa streaming platform matapos na nitong nakaraang taon lamang nang maglunsad rin ng exclusive podcast si Michelle Obama.

Nabatid na naging malapit na magkaibigan sina Obama at Springsteen noong 2008 sa kasagsagan ng campaign trail ni Obama.