Instagram Post of Catriona Gray

LEGAZPI CITY – Lubos ang pasasalamat ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray sa lahat ng tumulong upang makalikom ng $20, 000 o higit P1 million na ipantutulong sa mga pamilyang apektado ng krisis na dulot ng coronavirus disease.

Sa Instagram post ng beauty queen, inilaan ang halaga para sa nasa 2, 000 pamilya ng Smokey Mountain, Manila.

Una nang nakapag-abot ng tulong sa nasa 790 na pamilya habang higit 1, 000 pa ang papakainin ngayong darating na Biyernes, Abril 4.

-- Advertisement --

Ayon kay Catriona, hindi lang pantawid-gutom ang hakbang kundi nilalayon ring maprotektahan ang kalusugan ng mga pamilyang tinutulungan.

Inilunsad ni Catriona ang donation drive sa tulong ng Young Focus at iba pang non-government organizations (NGO).

Samantala, hinikayat pa ni Gray ang tuloy-tuloy na financial na assistance upang marami pang mapaabutan ng tulong.