LEGAZPI CITY – Nagpatupad ng temporary cancellation ng biyahe sa mga pampasaherong sasakyang-pandagat ang Coast Guard Station Catanduanes, batay sa ibinabang Sea Travel Advisory ngayong araw.

Sakop ng kanselasyon ng biyahe ang mga passenger vessel na 250 gross tonnage pababa na may rutang Virac Port at San Andres Port sa Catanduanes patungong Tabaco Port at vice versa.

Pinayuhan rin ang mga maliliit na sasakyang-pandagat na huwag na munang pumalaot, habang pinapaalerto rin ang mga malalaking barko.

-- Advertisement --

Una nang nag-abiso ang PAGASA sa inaasahang malalaking alon at malalakas na bayo ng hangin sa gitna ng karagatan dulot ng Bagyong #AuringPH at Hanging Amihan.