LEGAZPI CITY- Negatibo sa isinagawang pagsusuri ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang anim na patients under investigation (PUI) sa Bicol sa banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Inihayag ni DOH Bicol Director Dr. Ernie Vera sa Bombo Radyo Legazpi, apat sa mga ito ang nakalabas na ng ospital habang tinatapos na lamang ng dalawa pa ang 14-day quarantine period.

Ayon kay Vera, mahigpit ring tinututukan ang 12 persons under monitoring (PUM) na may travel history sa mga bansang may kumpirmadong kaso ng COVID-19 subalit hindi naman nakitaan ng “flu-like symptoms”.

-- Advertisement --

Muling ipinaalala ng opisyal ang pagsunod sa protocol sa preventive measures maging sa pagbabahagi ng impormasyon upang hindi makalikha ng alarma sa publiko.

Samantala, ipinagpapasalamat naman ng opisyal na unti-unti nang nakokontrol ang pagkalat ng mga fake news sa rehiyon kaugnay ng COVID-19.

DOH Bicol Director Dr. Ernie Vera