Screengrab from @andieigengirl (Andi Eigenman’s Instagram)

Engaged na ang actress na si Andi Eigenmann at surfer boyfriend nito na si Philmar Alipayo.

Sa Instagram account ni Andi, ibinahagi niya ang larawan habang nasa dagat sila ni Philmar kung saan suot ng aktres ang kaniyang gold engagement ring.

Pag-amin pa ng 30-anyos na aktres, hindi inasahan ang engagement.

-- Advertisement --

Subalit kahit wala umano nito, okay lang din kay Andi.

Hindi man engrande at simple lang na maituturing, ang mahalaga para kay Andi ay makita ang sinseridad ng taong nais makapiling habambuhay.

“Nothing grand. Unprompted, simple and oh so sincere. That’s us. That’s him. That is how I want the rest of my life to be,” ani Andi.

May anak si Andi sa una nitong karelasyon na si Jake Ejercito habang kasalukuyang buntis sa ikalawang anak kay Philmar.