LEGAZPI CITY – Arestado ang dalawang katao matapos na makuhanan ng mga armas at bala sa Sitio Quary, Brgy. Mintac, Cataingan, Masbate.

Kinilala ang mga suspek na sina Edito Catarining, 29, residente ng Brgy. Lalayat, San Jose, Batangas at Ruben Olivar, 25, residente ng Sitio Crossing Brgy. Badiang, sa bayan ng Cataingan.

Una rito, ilang concerned citizens ang nagpaabot ng impormasyon sa mga kaduda-dudang tao na armado ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril sa nasabing lugar.

-- Advertisement --

Kabilang sa mga nakumpiska ng mga otoridad ang isang yunit ng caliber .45 na may tatlong bala at isang yunit ng caliber 38 revolver, na may tatlong bala.

Inihahanda na sa ngayon ang kaukulang kasong kakaharapin ng nasabing mga suspek.