LA UNION – Nagluluksa ngayon ang pamilya ng isang lalaking public school teacher matapos umano itong magpakamatay sa bayan ng Bangar, La Union.

Nabatid ng Bombo Radyo mula sa Bangar Police Station, natagpuan na lamang umano ng kanyang kapatid ang hindi na pinangalanang guro sa bahagi ng kanilang tahanan na nakabitin ang katawan nito dakong alas-7:30 kaninang umaga.

Isang lubid umano ang gingamit ng teacher sa pagbibigti.

-- Advertising --

Sinasabi na bago umano nagpakamatay ang guro ay nakipag-video call pa ito sa kanyang misis at nasambit na nahihirapan na ito sa paghahanda ng mga learning modules.

Wala namang nakikitang foul play ang pulisya sa naturang insidente.