LA UNION – Pinag-uusapan ngayon ang katapatan ng mag-asawang nakapulot ng wallet na naglalaman ng P85,500 cash sa bayan ng Naguilian, La Union.

Ang naturang wallet ay napulot ng mag-asawang Rodante at Criste Balanag ng Barangay Natividad sa nasabing bayan.

-- Advertising --

Sa kwento ng mag-asawang Balanag sa Bombo Radyo, kapwa sinabi ng mga ito na agad nilang hinanap at tinawagan sa cellphone ang may-ari ng naturang wallet na si Dan Mark Lictao ng Barangay Suyo, Baguli, La Union.

Nagkasundo ang mga ito na magkita sa Barangay Hall ng Natividad upang maipasakamay kay Lictao ang nasabi wallet na naglalaman ng malaking halaga ng pare.

Labis naman ang pasasalamat ni Lictao sa mag-asawa dahil sa pagkakasauli ng pera nito.