LA UNION – Arestado ang dalawang umano’y drug personality sa isinagawang buy bust operation ng mga kawani ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Central West sa bayan ng Bauang, La Union.

Nakilala ang mga suspek na sina Joy Saliganan, 43, ang umano’y leader ng Saliganan Drug Group; at Marlyn Gapuz, 53, online seller, kabilang sa PDEA target list, kapwa naninirahan sa nasabing lugar.

-- Advertising --

Nabatid ng Bombo Radyo mula sa Bauang Police Station, umaabot sa 25 grams ang timbang o katumbas ng P170,000 ang halaga ng nakompiska na hinihinalang shabu mula sa mga suspek.

Maliban sa mga droga, narekobre din ng mga otoridad ang isang cal .22 na baril kasama ang mga bala nito, buy bust money at drug paraphernalia.

Inihahanda na rin ang kaso laban sa mga nabanggit na umano’y drug personalities dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.