LA UNION – Hindi na nakapagdiwang sa pagsalubong ng Bagong Taon ang isang binata matapos itong mamatay nang humambalos ang sinasakyan niyang motorsiklo sa kahabaan ng national highway sa Barangay Sta. Cruz sa bayan ng Bacnotan, La Union.

Nakilala ang biktima na si Franklin Cotillon, 26-anyos, residente ng nasabing barangay.

Base sa pagsisiyasat ng Bacnotan Police, matulin umano ang pagpapatakbo ng biktima sa kanyang motorsiklo kaya nawalan ito ng kontrol sa pagmamaneho kasunod ang pagbangga sa sementadong pader.

-- Advertising --

Sinasabing walang suot na helmet si Cotillon nang mangyari ang aksidente kaya nagtamo ito nga matinding pinsala sa kanyang ulo at maging sa katawan na naging sanhi ng agarang kamatayan nito.