(Update 1) BAUANG, La Union – Umaabot umano sa P912,000 na pera ang tinangay ng mga hindi pa kilalang magnanakaw na nanloob sa Summit Bank sa Barangay Central East sa bayan ng Bauang, La Union.

Nabatid ng Bombo Radyo mula sa Bauang Police, nadiskobre ng mga empleyado na napasok ng magnanakaw ang bangko nang bukasan nila ito dakong alas-9:00 kaninang umaga.

Pinaniniwalaan na dumaan umano ang mga suspek o mga hinihinalang ‘termite gang’ sa kanal at gumawa ng lagusan sa ilalim ng lupa upang mapasok ang nabanggit na gusali.

-- Advertising --

Patuloy pa rin ang paghahanap ng pulisya sa mga ebidensyang maaaring magbigay ng linaw sa insidente upang matukoy ang mga salarin.