LA UNION – Nasa mabuti ng kalagayan ang drug surrenderee na binaril ng tanod sa Barangay Bulala sa bayan ng Bacnotan, La Union.

Nakilala ang 51-anyos na biktima na si Rodolfo Acosta Jr.; habang ang 74-anyos na suspek ay si Romulo Gaona.

Base sa ulat ng Bacnotan Police, nagpang-abot sa daan umano ang dalawa kaya binaril umano ng tanod ang biktima.

-- Advertising --

Tinamaan sa binti ang biktima at agad ito dinala sa pagamutan.

Tumakas naman ang suspek matapos ang insidente.

Sinasabi na naghihinala umano ang tanod na magkalaguyo ang misis nito at ang biktima.