ARINGAY, La Union – Nagdadalamhati ngayon ang magkakamag-anak matapos mamatay sa nasunog na bahay ang isang anim na taong gulang na bata at ang ama nito nangtangkang magligtas sa kanya sa Barangay Sta. Rita East sa bayan ng Aringay, La Union.

Nabatid ng Bombo Radyo mula sa Aringay Police, limang bahay na pawang mga yari sa light materials umano ang naabo sa nangyaring sunog.

Habang nasusunog ang mga bahay ay tinangka umano ng 36-anyos na ama na si Jeffry Estoril na iligtas ang kanyang anak na si Cryril Jane ngunit nabigo ito.

-- Advertising --

Tuluyang na-trap umano ang bata sa loob ng bahay kaya ito nasawi.

Binawian naman ng buhay sa pagamutan habang nilalapatan ng lunas ang ama dahil sa 2nd degree burn o pagkakalapnos nito sa katawan.

Samantala, patuloy na inaalam ng mga arson investigators ang sanhi ng sunog at halaga ng mga nasirang ari-arian.