Reading Time: 1 minute
lassiter
Marcio Lassiter

Hindi na makakasama sa Gilas Pilipinas line-up si Marcio Lassiter dahil sa iniinda nitong injury.

Nagtamo kasi ito ng MCL sprain sa kaniyang kaliwang tuhod noong PBA Commissioner’s Cup playoffs.

Sinabi ni Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao na nakausap na niya si Lassiter at nagdesisyon silang hindi na ito isasabak sa FIBA World Cup na gagawin sa Agosto 31 hanggang September 15 sa China.

Ayaw din ng Gilas coach na isapalaran ang kalagayan ni Lassiter na baka mas lalong lumala kapag ipinilit itong maglaro.

Wala namang magiging problema sa panig naman ni Lassiter dahil handa itong maging cheering squad lider sa mga laro ng Gilas.