DAGUPAN CITY- Patay ang umanoy lasing na lalaki na nakatulog sa kalsada matapos masagasaan sa national highway sa barangay Rabon sa bayan ng San Fabian, Pangasinan.

Ayon sa pulisya, nahiga sa gitna ng kalsada ang biktima na si Crisanto Cruz , residente sa La Union dahil sa kalasingan.

Napuruhan sa ulo ang biktima at isinugod sa ospital pero ideneklarang dead.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang driber na nakasagasa sa biktima.