Maging ang National Bureau of Investigation (NBI) ay inihahanda na rin ang kasong large scale at syndicated estafa na kanilang isasampa laban sa mga opisyal ng KAPA Community Ministry International, Inc.

Sinabi ng NBI, may nauna na ring kasong estafa ang KAPA founder na si Joel Apolinario sa sa Bislig, Surigao pero inareglo umano niya ang mga biktima.

Kinumpirma rin ng NBI na 14 na teams ng NBI ang nagsilbi ng search warrants laban sa Kapa at Alamco.

Sa operasyon ng NBI sa magkakahiway na tanggapan ng KAPA, nabawi ang mga mahahalagang dokumento, counting machines, mga resibo at computers.

Una nang inalerto ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang Bureau of Immigration (BI) para matiyak na hindi makakalabas ng bansa ang mga nasa likod ng KAPA investment scam.