-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nakipag-ugnayan na ang Iloilo City Police Office (ICPO) sa cybercrime division ng Police Regional Office (PRO) VI upang matukoy ang nagpakalat ng larawan ng pitong pulis sa Iloilo City na umano’y utak ng riding-in-tandem killings sa lungsod.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay ICPO Director Police Colonel Uldarico Garbanzos, sinabi nito na isang character assassination ang malisyosong pagpapakalat ng larawan ng mga pulis at sinisiraan nito ang buong hanay ng pulisya.

Ayon kay Garbanzos, hindi pa nasasampahan ng kaso ang pitong pulis ngunit nagsasagawa ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation sa umano’y

kaugnayan ng mga ito sa nangyayaring patayan sa lungsod.

-- Advertisement --