-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Inambush ng dalawang dalawang riding in tandem ang municipal mayor ng Lumbaca-Unayan, Lanao del Sur, sa kahabaan ng Brgy. Iponan, nitong syudad, Miyerkules ng umaga.

Ayon kay Police Major Aldrin Baculio, hepe ng Bulua Police Station, apat katawo ang sakay sa itim na pick-up na may plakang KAD 4895 nang itoy tambangan ng mga naka facemask na mga suspek.

Base sa inisyal na report, sugatan sina Mayor Somerado Guro, kanyang asawa, at isa pang ka-anak.

Ligtas naman ang driver ng alkalde na si Ibrahim Gani.

Blangko pa ang mga otoridad sa motibo ng krimen.

-- Advertisement --