Reading Time: 1 minute

CAUAYAN CITY – Inaresto ang isang lalaki sa sabungan dahil sa paglabag sa Republic Act 493 (Illegal Use of Uniforms or Insignia of persons not in service).

Dinakip sa Lingaling, Tumauini, Isabela si Freddie Madriaga, 38 anyos, may-asawa at residente ng San Mateo Tumauini, Isabela.

Nakatanggap ng impormasyon ang Tumauini Police Station na si Madriaga ay nakasuot PNP olive green shirt habang nasa loob ng Tumauini cockpit arena at nagsasabong.

Nagtungo sa lugar ang mga pulis at nakita na nakasuot si Madriaga ng uniporme ng pulis.

Dinala nila si Madriaga sa Tumauini Police Station para sa kaukulang disposisyon.