KALIBO, Aklan – Maliban sa paglabag sa election gun ban, nahaharap rin sa kasong attempted murder ang isang 28-anyos na lalaki dahil sa pagpapaputok umano ng baril sa tatlong magkaibigan na napadaan lamang dakong ala-1:50 ng hapon sa Purok 3, C. Laserna St. Kalibo, Aklan.

Kinilala ang suspek na si Raffy Otis, residente ng Oyo Torong St. Kalibo.

Nakula mula sa suspek ang isang sumpak at dalawang basyo ng bala.

Ayon kay EMSgt. Abrahan Regatallo, imbestigador ng Kalibo Police Station, habang naglalakad umano ang mga biktima na sina Rocky Rivas, 31, ng Brgy. Bulwang, Numancia; Alejandro de Joseph, 39, ng Brgy. Baybay, Makato at Jomar Nabiong, 33, ng Purok 2, C. Laserna St. Kalibo nang harangin ng umano’y lasing na suspek at tinutukan ng bitbit na baril at saka pinaputukan.

Giit ng suspek na gusto lamang niyang takutin ang tatlo na maswerteng walang natamaan sa mga ito.