Reading Time: 1 minute

GENERAL SANTOS CITY – Hindi natapos ang serbisyo ng mga doktor sa isinagawang Bombo Medico 2019 ngayong araw.

Ayon kay Jennylyn Abas, taga Marabatuan, Jose Abad Santos, Davao Occidental, Martes pa sila nang makarating sa GenSan para magpacheck ng mata ng kanyang ama na may cataract.

Sa kanyang pahayag na sinabihan daw sila ni Dr. Noel Alolod, isa sa mga opthalmologist sa lungsod, na ooperahan nito ang cataract ng kanyang ama bukas.

Dahil dito hindi muna sila uuwi ng Davao Occidental.

Nagpapasalamat si Agbas sa Bombo Radyo at kay Dr. Alolod dahil matulungan nito ang kanyang ama.