Reading Time: 1 minute

ROXAS CITY – Totally burned ang isang bahay matapos sinunog ng lalaking may diperensiya sa pag-iisip sa Sitio Mangga, Barangay Cagay, Roxas City.

Gulat na gulat si Marcelino Adonis nang abo na lamang ang kanyang nadatnan sa kanilang bahay na sinunog mismo ng sariling anak na may diperensiya sa pag-iisip.

Ayon kay Adonis na bago sila umalis ng bahay para pumunta sa lamayan ay humingi ng pera ang anak na si Ramar para pambili ng alak.

Ngunit hindi nila ito binigyan kaya posibleng ikinagalit nito at sinunog ang kanilang bahay.

Desidido naman si Adonis na sampahan ng kasong arson ang sariling anak, dahil nawalan sila ng matitirhan.

Samantala ayon naman sa suspek na si Ramar na ginawa lamang nitong sunugin ang kanilang bahay, dahil may problema sila ng kanyang pamilya at gusto niyang linisin ang kanilang bahay.

Ayon kay Ramar na kumuha ito ng dahon ng saging at inilagay sa ilalim ng kama ng ina at sinindihan ng lighter.