NAGA CITY- Patay na ng matagpuan matapos malunod ang isang lalaki na may kapansanan sa pag iisip sa Brgy. San Jose, Lupi, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Joel Mirabel, 22-anyos residente ng Brgy. Tible, Lupi, Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, una ng natagpuan ang biktima ng isang mangingisda.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad napag alamansa pamilya nito umalis ang biktima sa kanilang bahay halos isang buwan na ang nakalipas.

Ngunit hindi na ito nakabalik pa hanggang sa nalaman nalamang ng mga ito ang nangyare dito.

Sa ngayon nag papatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.