CAUAYAN CITY – Arestado ang dalawang armadong lalaki sa isinagawang checkpoint ng mga kasapi ng Jones Police Station sa barangay Dibuluan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Captain Fernando Mallillin, hepe ng Jones Police Station, nadakip ang mga suspect sa pamamagitan ng isinagawa nilang checkpoint sa mga lugar kung saan sila madalas makita.

Ang mga nadakip ay sina Wilfred aka Wilson Betita at Jessie Pascual kapwa residente ng Barangay Santa Isabel, Jones Isabela.

Si Betita pinaghihinalaang miyembro ng private armed group.

Ang mga suspek ay sabay na nadakip sa isang checkpoint at nasamsaman ng Cal. 45 pistol na may isang magazine at walong bala, dalawang granada, dalawang sachet ng hinihinalang pinatuhong dahon ng marijuana at tatlong sachet ng hinihinalang shabu.