LEGAZPI CITY – Sugatan ang isang lalaki matapos magtangka sanang awatin ang pag-aaway ng dalawang magsasaka sa Barangay Buyuan sa lungsod ng Legazpi.

Nakilala itong si Domingo Arao, 34-anyos na residente ng naturang barangay.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nagkaroon ng mainit na pagtatalo sa pagitan ng mga magsasakang sina Santiago Dela Marquez, 59-anyos at Armin Arao matapos umanong masira ang mga pananim dahil sa alagang kalabaw.

Tinangka sanang pumagitna sa away ang biktima dahilan upang ito ang mataga ni Santiago na tumama sa kanang braso.

Agad naman na inaresto ng barangay tanod ang suspek habang narekober naman ang isang kutsilyo na nasa 18 pulgada ang haba.

Sa kasalukuyan ay patuloy pang iniimbestigahan ang naturang insidente.