TACLOBAN CITY – Sugatan ang isang karpentero matapos itong barilin ng kanyang pinsan sa Brgy. Cabunga-an, Villaba, Leyte.

Kinilala ang biktima na si Florecio Duja, 63 anyos at ang suspek naman na kanyang first cousin ay kinilala na si Antonio Duja, 67 taong gulang parehas mga residente ng Purok Nangka, Brgy. Cabungaan, Villaba, Leyte.

Ayon kay Pol. Lt. Lito Catalo, Chief of Police ng Villaba PNP nag-inuman daw ang dalawa sa bahay ng suspek ng magkaroon ito ng mainit na pagtatalo.

Tinaga daw ng biktima ang pintuan ng bahay ng suspek kaya’t nagalit ito at dali-daling kinuha ang kanyang improvised firearms at binaril sa kanang mata ang kanyang pinsan.

Agad naman dinala sa ospital ang biktima at sa ngayon ay stable na kondisyon nito.

Sumuko naman ang suspek at nahaharap sa kasong frustrated homicide at illegal possession of firearms.