Reading Time: 1 minute
Zamboanga Map
Zamboanga City Map

ZAMBOANGA CITY – Patay ang isang lalaki matapos na mabaril ng mga tauhan ng Sinunuc Police Station at ng SWAT (special weapons and tactics) dahil daw nanlaban sa Barangay Sinunuc, Zamboanga City.

Nakilala ang nabaril na si Dondi Al-Shamer Nurdelbirut, 46-anyos na residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Star FM Zamboanga, aarestuhin sana ng mga otoridad si Dondi dahil sa pagpatay nito sa kanyang sariling ina na si Amirdoda Nurdelbirut, 72.

Ayon sa imbestigasyon, pinatay ng suspek ang biktima gamit ang samurai at saka chinop-chop bago isinilid ang bangkay sa loob ng maleta.

Itinago pa ito ng suspek sa kanilang bahay ngunit itinapon na rin nang magsimulang mangamoy, bagay na agad namang nahanap ng ilang mga residente salugar at agad na ni-report sa mga otoridad.

Nabatid na nagkaroon pa ng ilang oras ng negosasyon sa pagitan ng pulisya at ng suspek na humantong pa rin sa pagkakapatay kay Dondi.