Dinampot ng mga otoridad sa estado ng Washington sa Amerika ang isang lalaki matapos ang nangyaring high-speed chase kung saan natuklasan na tinuturuan umano nitong magmaneho ang kanyang aso.

Ayon sa mga state troopers, agad daw silang rumesponde sa impormasyon tungkol sa isang sasakyang tumatakbo ng mahigit 160 kph.

Nang kanila nang mahabol ang sasakyan, labis ang kanilang pagkagulat nang makita nila ang isang pit bull sa driver’s seat, at isang lalaki na siyang nagkokontrol sa gas pedal habang nasa passenger side.

Nahaharap sa patung-patong na kaso ang 51-anyos na suspek na si Alberto Tito Alejandro, na sinasabing nasa impluwensya pa ng ipinagbabawal ng gamot.

Inamin naman ni Alejandro na kanya raw tinuturuan ang kanyang aso na mag-drive.

Sa ngayon ay inilagay na sa isang animan shelter ang nasabing pit bull.