Inaresto ng mga kapulisan sa India ang isang lalaki na miyembro ng Hizbul Mujahideen militant group na siyang responsable sa paghagis ng granada na ikinasawi ng dalawang tao at ikinasugat ng 30 iba pa.

Naganap ang pang-aatake sa bus sation sa Jammu at Kashmir.

Mariing pinabulaanan naman ito ng Hizbul Mujahideen na sila ang nasa likod ng pang-aatake.

Taliwas naman ito sa pahayag ng suspek na naaresto na si Yasir Javed Bhat na siyang umaming miyembro ng militanteng grupo.