NAGA CITY- Putol ang kaliwang kamay ng isang lalaki matapos na tagain sa Quezon.

Binisto an biktima na si Rosvel Amor, 48-anyos, residente ng Barangay Villa Norte Alabat sa nasambitan ng probinsiya.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nag-iinuman ang biktima kasama ang suspek na kinilalang si Allan Dacalos, 43-anyos at ang asawa ng suspek ng bigla na lamang magkaroon ng mainit na argumento si Dacalos at Amor.

Dahil dito, kinuha ng suspek ang kaniyang bolo at dito na nito tinaga ang biktima kung saan nag-resulta ng pagkaputol ng kaliwang kamay ni Amor.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, selos ang pinag-ugatan ng naturang insidente.

Samantala, agad naman na nakatakas ang suspek matapos ng krimen ngunit sa isinagawang follow-up investigation ng mga otoridad, dito na nadakip si Dacalos matapos na ituro ng mismong asawa nito.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.