ROXAS CITY – Patay ang 56-anyos na lalaki matapos binaril ng sariling kapatid sa Sitio Banahaw, Barangay San Juan, Jamindan, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Erwin Lorenzo na nagtamo ng sugat sa tiyan habang ang kapatid na suspek ay si Jerry Lorenzo

Ayon kay PSSgt. Lou Jacinto Robles, imbestigador ng Jamindan PNP lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na magkasama pa ang magkapatid na uminom bago nangyari ang krimen.

Ngunit hindi inaasahan nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hanggang binaril ng suspek ang biktima gamit ang hindi pa matukoy na baril.

Kaagad tumakas ang suspek matapos ang krimen sa hindi malamang direksyon.

Sa ngayon ay nasa punerarya na ang bangkay ng biktima na kaagad namatay dahil sa patal na sugat sa kanyang katawan.