BAGUIO CITY – Patay ang isang lalaki matapos malunod ito sa Bani Hot Spring sa Boliney, Abra.

Nakilala ito na si Louie Arellano, 29, residente ng Luzong, Manabo, Abra.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagtungo ang biktima at mga kamag-anak nito sa nasabing hot spring upang mag-picnic kahapon ng tanghali.

Agad umanong lumangoy ang biktima hanggang tangayin ito ng malakas agos ng tubig.

Dumiretso ito sa water falls at tumama ang kanyang ulo sa mabatong bahagi ng lugar hanggang a nalunod ito.

Natagpuan na lamang ang bangkay ni Arellano, 100 metro mula sa picnic area matapos ang halos tatlong oras na paghahanap dito.