Reading Time: 1 minute

CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang isang pulis sa pagsilbi ng search warrant sa Purok Paradise 2 Cabalantian, Manticao, Misamis Oriental.

Kinilala ang napatay na si Ariel Macas Jr, 32, may ka live-in at residente sa nabanggit na lugar.

Sinabi ni Pol. M/Sgt Roel Limocon, imbestigador ng Manticao-Philippine National Police, na magsisilbi sana ng search warrant ang mga pulis sa pangunguna ng Provincial Drugs Enforcement Unit-Misamis Oriental, sa pamamahay ni Macas ngunit nakatunog ang subject kaya pinaputukan nito ang mga pulis.

Nasugatan sa kanyang kamay si Police Corporal George Sordella at gumanti naman ng putok ang kanilang tropa na nagresulta sa pagkamatay ni Macas.

Nabatid na kilala si Macas sa kanilang lugar na nagbebenta ng droga at may kinakaharap na rin itong kaso dahil din sa droga.